Pages

Thursday, August 23, 2012

Poem turned to a Song using Strophic Form. ;)

Naatasang gumawa ng tula individually, forming 3 stanzas with 6-7 syllables in each lines with a theme of LOVE. Then tasked to pick 2 poems by group. Eto napili ko.  :)

*This first poem that I picked was made by Hazel Jane Elca. :)

Nang ika'y makita
Abot langit ang saya
Matanaw ka twina
Ang hiling ko sinta

Ako'y nalulumbay
Pag 'di nakikita
Laging nananamlay
At natutulala

Tila ako'y patay
pag 'di nakasilay
Ako'y mabubuhay
Sa piling mong tunay.

*The second one was made by Jovelyn Panganiban. ( i made the tune for this) :)

Pagmulat ng mata
Nais kang makita
Umagang kay ganda
Sulyap mo lang sinta

Nais makapiling
Ito'y isang hiling
Na sana'y dumating
Araw ay niningning

Kulitang kay tamis
Ngiting walang mintis
Hindi ko matiis
Na ikaw ay mamiss.

~ Yan po. Ewan ko lang po kung kelan ko mapopost ang tono. Kung kelan nyo maririnig, i mean. ;)
Mukang matatagalan, katamad mag-upload eh. Hehe. :DD
Marahil, tinatanong nyo din kung bakit 'di ko pinili yung akin. Well isa lang ang sagot d'yan. 'Di kasi ako contented dun sa nagawa ko, kahit marami akong pinagpilian. Piling ko 'di bagay lagyan ng tono, parang mas mabuti pang forever tula nalang s'ya. :))

No copy-paste. Maggawa kayo ng sarili nyo ha. Haha.
Have some INSPIRATION!. Okay!.


-Patricia E. (LAKB) <3


No comments:

Post a Comment