Haaaaay!. So hopeless! :"(( I dunno what to think, what to do? Huhu.
It's all about my college. Let's name the schools as School A, B and C.
Ganto kasi yan, feeling ko kasi ayaw ako payagan ni Papa sa School A. Alam ko namang malayo pero sure na may accountancy na dun, meron na nga kaming dorm gawa ng mama ni Shai. At hindi naman magiging kasing-gastos ni Ate ang budget para sakin. Pero ayaw ni Papa kasi malayo daw at may school naman na malapit samin. Kaso ang problema ayoko sa School B gawa ng uniform, at maybe sawa na ko sa Sta.Cruz, super lapit lang kasi samin, pwedeng-pwedeng lakarin. Tsk. Lalong ayoko naman sa School C, hindi naman sa minamaliit ko ito pero alam kong maraming nag-aaral dito na hindi matino, yung as in below below. (No offense). Marami rin saming magkakaklase ang ayaw dun. Oo nga mura tuition sa both schools pero mura rin naman sa School A eh, good for accountancy na rin dun.
Nakakuha na ko ng test sa School A at mukhang papasa ako dun, pero mukang kahit pumasa ako dun, hindi parin gusto ni Papa. Alam ko naman ang nararamdaman ni Papa, oo, ang gastos na namin sa school pero hindi rin gaanong naiintindihan ni Papa yung nararamdaman ko. Kapag nag-uusap kami nagtatapos lang 'to sa "it's either School B or C".
Masama lang ang loob ko kasi, alam mo yung feeling na para kang tinitipid?. Sa school nga, pag may expenses, ako na ang nagbabayad, wag lang hihigit sa hundred. Aaminin ko, minsan naiinggit ako kay Ate kasi sa Manila s'ya, malayo sa household chores at malaya, it's up to her to budget the money nalang. Pero ako pagschool days, pagkagising ipaghahanda ko rin ng lunch kapatid ko. Pagkauwi naman maghuhugas ng pinggan, magsasaing. Alam mo yung feeling na nasasawa kana, sa araw-araw ganun at ganun lang din ang ginagawa mo? Every weekends naman, syempre maglalaba, minsan solo nalang ako, minsan natutulungan ng 2 kapatid. Sinong naglilinis ng bahay? Ako! Asan ba ang mama ko? Nagtatrabaho sa Manila. Ang hirap ng wala kang katulong sa bahay. Minsan nga naiisip ko, parang ako na ang Ate. Hindi ba nila alam na nahihirapan rin ako, nakikita kasi nilang malakas at masipag ako kaya ganun, hindi niyo ko pwedeng hayaan lang. Balang araw, magsasawa rin ako, people change. Pero hindi ko ata kayang talikuran ang pamilya ko.
Inaamin ko, ang selfish ng mga dahilan ko na mag-aral sa School A, kasi gusto ko lang naman na magbago yung takbo ng araw-araw ko, makatakas sa araw-araw na gawain, mamuhay mag-isa kahit ilang araw sa isang taon, makatakas sa responsibilidad bilang ate. Yun lang naman ang mga dahilan. Pero naisip ko rin na, kung sa School A ako mag-aaral, pano na ang kapatid ko, sino ang maghahanda ng lunch sa kanya, maghuhugas ng pinggan sa bahay, maglalaba, magpaplantsa, magsasaing, magiimis ng bahay araw-araw? Alam kong malaki na s'ya, he's 13, pero lalaki s'ya, anung alam nun sa mga ginagawa ko? Maiiwan si Papa at ang bunso kong kapatid na lalaki sa bahay. Naaawa ako. I'll be really selfish if I do choose to be in School A. Tinanong ko si Mama once about this, sabi n'ya na may mag-aalaga naman kay Hans at sa bahay. But no! Hindi rin yun kakayanin ng kapatid ko, snobbish at makulit yun ih. At pano nalang yung mga anak ng mag-aalaga kay Hans? Naawa rin ako. Mga pinsan ko kasi sila. Sa tingin ko, isa 'to sa mga dahilan kung bakit ayaw ako palayuin ni Papa, dahil sa mga responsibilidad sa bahay at sa kapatid ko. Naiintindihan ko naman, pero sa loob ng 2 taon ganun lang ang ginagawa ko, gusto kong magpahinga muna, yung as in pag-aaral lang muna at sarili ang iisipin ko. BUT, i'll be really SELFISH. I know I can't leave my family behind.
So I just decided, kahapon lang after a long period of thinking, na sa School B nalang ako mag-aaral, kahit maikli ang skirt, kahit hindi malayo, ok na sa akin. Naisip ko rin naman na, makakapag-ipon ako, makakauwi ng maaga at makakapagpahinga, at may chance maging scholar. Dun nalang kasi alam kong mahihirapan lang si Papa, hindi ko nalang muna iisipin ang sarili ko. Tutal marami rin naman akong mga kaibigan na don mag-aaral. Pero pero...
Bakit napasaklap naman ata, pumayag na nga ako sa School B eh, pero mas gusto pa ni Papa sa School C? Tsk. Tsk. Kahapon kasi tinext ko si Papa about that. Sa School C nalang daw, sure na may accountancy (sa School B kasi hindi sure) at makakakuha pa ko ng scholarship. Aisxt! Tinitipid nga ako! Nakakainis. Pumayag na nga ako sa School B eh! Tsk. Sabi ni Papa, nasa bata daw yun hindi sa school. Eh kahit na, alam ko naman yun, eh ang mga estudyante kaya dun eh below below kaya ayoko dun, maraming may ayaw dun. Sino bang gaganahan mag-aral dun, kung ayaw mo?. Aaaarrrrgh! Hindi naiintindihan ni Papa. >_< We really need to talk.
Did I ask for too much? Maayos-ayos na school lang naman ang hinihiling ko eh, hindi na nga ako nagtake-up ng exams sa Manila lalo na sa school na gusto ko, PUP dahil magaling sila sa accountancy.Parang hindi ako kilala ni Papa, matataas ang mga pangarap ko, naming magkakapatid. Sana maintindihan naman ako ni Papa, sa kanya rin mapupunta ang lahat ng tagumpay namin balang araw. Minsan nga iniiwasan ko nalang magkwento kahit isa akong makuwentong tao kasi feeling ko minsan, hindi naman nakikinig si Papa, o minsan magkukuwento nga ako pero malilimutan din kinabukasan. Naiiyak ako. At sa tuwing pinapagalitan kami ni Hans, umiiyak ako kasi hindi namin yun ginusto, hindi ko ginustong akuin ang responsibilidad sa bahay. Kapag napapagod ako, gusto kong isisi kay Mama, sana natutulungan n'ya kasi ako. Solo lang akong babae sa bahay, hirap kaya. Namimiss ko na yung dating kami, yung lahat nasa bahay, si Papa nagtatrabaho at pag-uuwi s'ya, sasalubungin naming lahat. Pero mga bata pa kami nun, lumalaki na rin kasi kami.
Naiyak na ako ngayon, hindi ko mapigilan. Marami kasing tumatakbo sa isip ko, nalilito ako.
Naawa ako sa sitwasyon ni Papa pero sana nakikita n'ya ring nahihirapan ako. Sana maintindihan n'ya rin ako. Alam ko, walang dapat sisihin, meron nga d'yan nagtatrabaho na't hindi nakapag-aral. Hindi nakakakain at nagugutom. Walang may kasalanan. Lilipas rin 'tong lungkot ko.
Pasensya na napahaba, gusto ko lang maglabas ng saloobin dahil gusto ko na itong ipagsigawaan, wala kasi akong makuwentuhan sa bahay, sino naman ang makikinig? Mga kaibigan ko naiintindihan ako pero nasa amin na daw ang desisyon tungkol dito! ^^ Kaya mamaya, me and Papa really need to talk para malaman na ang desisyon.
I love you Pa and thank you for everything. Sana payagan mo na ko sa School B, kahit tinalikuran ko na ang School A at ang future ko dun, ang mga schools na napili at nagustuhan ko. Sana huwag na n'ya akong ipilit sa School C. Sana sana sana.
#it's hard >_< so hopeless... :"(((((
Sana maintindihan nila ako! :(
Sana bumalik nalang ang lahat sa dati, yung sama-sama lang kami. ^_^
No comments:
Post a Comment